Ang pagmamanipula ng alok(Ingles: bid rigging) ay isang anyo ng pandaraya kung saan ang isang pangkalakalan (commercial) na kontrata ay ipinangako sa isang partido kahit mukhang ang ibang mga partido ay presente sa pag-aalok(bidding) ng isang kontrata. Ang anyo ito ng kolusyon ay ilegal sa maraming mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagmamanipula ng presyo(price fixing) at alokasyon sa pamilihan na kalimitang isinagawa kapag ang mga kontrata ay matutukoy sa pamamagitan ng pagtawag ng mga pag-aalok ng mga kompetitor gaya halimbawa ng kontrata ng konstruksiyon ng mga inprastrakturang isinagawa ng pamahalaan. Sa kasong ito, ang mga kompanya ng konstruksiyon o mga prodyuser ng hilaw na materyal ay nagpapasa ng alok sa pamahalaan upang manalo sa kontratang konstruksiyon na ito at ang pamahalaan naman ay pipili ng kompanya sa mga nag-aalok na ito na magbibigay ng pinakamalaking pakinabang gaya ng katipiran sa pamahalaan. Ang pagmamanipula ng alok ay halos palaging nagreresulta sa ekonomikang panganib sa ahensiyang naghahangad ng mga pag-aalok gayundin sa publiko na sa huli ang magpapasan ng gastos bilang mga tagabayad ng buwis o konsumer.